Monday, August 4, 2008

Caliraya Re-creation Center

Pumunta kami kahapon ng mga kaibigan ko sa Caliray Re-recreation Center sa Cavinti, Laguna. Naisipan na naming huwag ituloy dahil umuulan ng mga nagdaang araw ngunit nakapagsabi na kami sa contact person namin doon na tutuloy kami kaya napilitan kaming tumuloy. Siguro prinsipyo na rin. Mga dalawa't kalahating oras ang biyahe.



Pag dating namin doon, sinubukan namin agad ang kanilang Zipline. Ang Zipline ay isang ride na kung saan nakatali ang iyong katawan sa isang lubid pus magslide ka mula sa isang poste patungo sa kabila. Sa simula medyo nakaka-thrill dahil mataas ang poste at mabilis ang pag-slide, pero sa kalaunan, masasanay ka rin. 50 pesos kada sakay kaya nagdalawang sakay kami ng mga kaibigan ko.


Pagkatapos noon, naglunch na kami. Buffet ang lunch, tamang-tama lang para sa gutom na gutom naming kalamnan. Nang mabusog na kami, gusto sana naming mag-Target Shooting kaya lang sira daw ang mga baril nila. Sarap mamaril!

Naisipan nalang naming badminton. Malakas ang hangin kaya hindi kami makapaglaro ng maayos. Minsan titira ka ng malakas tapos biglang lawlaw o kakapusin ang tira mo. Minsan naman titira ka ng mahina, tapos hahangin naman papalabas. Pero ok na rin kasi kakaiba. Medyo masaya na rin.



Hanggang sa nagsawa kami. Naisipan naman naming mag-fishing. Kaya lang ang daming lamok sa lugar kaya hindi rin natuloy. Iyong isa kong kaibigan, wala pang limang minuto, ay pinag-piyestahan agad ng mga lamok. Natakot kami sa dengue.

Nag-canoeing na lang kami. Ayon, paikot ikot lang kami sa lake. Pero ok na rin kasi medyo payapa ang pakiramdam habang namamangka. Masarap na rin ang feeling. Nagtry din ako mag-kayak.


Gusto sana namin mag-wall climbing kaya lang bigla nang bumuhos ang ulan kaya hindi na kami pinayagan. Madulas raw. O pwede ring tinatamad lang silang magset up.


Last activity ay swimming na lang sa ulan.


Tapos uwi na kami.
Medyo bad trip kasi wala masyadong magawa. Moral lesson: Minsan mas importante ang pera at energy kaysa prinsipyo.

2 comments:

chroneicon said...

bakit hindi mo ko sinasama? huhuhu...

ken said...

Join ka lang and have a good time!